Si Anton ay isang masipag, mapagmahal at matiyagang anak. Isa sa kanyang mga paboritong aktibidad ay ang pag-akyat ng bundok kasama ang kanyang kapatid na si Carlos. Mula nung bata pa sila ay sinasama na sila ng kanilang tatay umakyat ng iba’t ibang mga bundok. Sa mga nakalipas na taon naranasan na nilang umakyat ng mga bundok katulad ng Mt. Pinatubo, Mayon Volacano, Mt. Pulag at marami pa. Dahil sa saya at katuparan na nararanasan ng magkapatid tuwing sila’y umaakyat ng bundok, ang tanging naging layunin nila ay makaabot sa tuktok ng Mt. Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na nasa 2,954 meters above sea level. Aabutin ito ng higit apat na araw ng paglalakad bago makarating sa tuktok.
Paglipas ng panahon ay pinaghirapan at pinagsikapan ng magkapatid na tuparin ang kanilang inaasahan, lalo na si Anton. Tumakbo sila araw-araw, umakyat sila sa mga hagdan kasama ang kanilang mga bagahe at inakya’t ang iba’t ibang mga bundok sa Rizal upang maghanda.
Noong dumating ang takdang araw na handa na ang magkapatid, umalis sila papuntang Davao. Sa mga oras na iyon ay walang ibang inisip si Anton kung hindi marating ang tuktok ng pinakamataas na bundok sa bansa. Nag-umpisa silang umakyat at sa daan ay marami silang nakita at nakilala. Nakakita sila ng isang maganda at malaking talon ngunit habang naglalakad sila ay nadapa si Anton at sumigaw, “Ano ba yan! Ang dulas naman, tara na nga!” at patuloy silang naglakad. Habang sila’y umaakyat ay nakakita rin sila ng iba’t ibang mga hayop katulad ng mga manok, baka, ibon at iba pa.
Dahil sa aliw ni Carlos sa pagkuha ng mga litrato nito ay nalihis siya ng daan at napalayo sa tamang daan. Muling nainis si Anton at sinabing, “Kuya, ano ba! Malapit na nga tayo pero tinitingnan mo pa yung mga hayop!”, sabi ni Carlos, “Hinga ka lang, Ton. Maaabot rin natin yung tuktok.”. Inalala ni Carlos yung pinanggalingan nila at muli silang naglakad pataas. Sa isang punto ay huminto si Carlos at sinabing “Ton! Tingnan mo, sumisikat na ang araw, nakikita mo ba ang dagat ng mga ulap?” Sabi ni Anton, “Oo nga, kuya, ang ganda! Pero tara, maglakad na tayo, malapit na ang tuktok!” Ito ang pang-apat na araw na naglalakad ang magkapatid patungo sa tuktok ng Mt. Apo. Sabi naman ni Carlos, “Teka lang, tingnan muna natin o, minsan lang ‘to.” Pumayag si Anton ngunit halata kay Carlos na siya’y inip na inip na kaya’t muli silang naglakad pagkatapos ng maikling oras. Nang palapit na sila sa tuktok ay may nakita silang mga dayuhan na nagtanong sa kanila kung pwede silang makisabay dahil hindi sila sigurado sa daan, ang sabi nila ay pinili nilang umakyat ng walang guide kaya’t nahirapan sila sa dulo. Si Carlos ay pumayag at sinabing “Sure, just follow us. We’re close to the top, don’t worry!”, ito ay ikinainis ni Anton, “Kuya, ano ba! Papatagalin lang nila tayo at ang sagot ni Carlos ay “Pagnawala ka sa bundok ng ibang bansa, gugustuhin mo rin na may tumulong sayo, mahalagang tumulong sa ating kapwa.”, at bago nila napansin, umabot sila sa tuktok ng bundok.
Pag-abot nila dito, tinanong ni Carlos, “O, bakit naman ganyan ang mukha mo?”, sabi ni Anton, “Hindi pala kasing ganda ng akala ko”, at sabi ni Carlos, “Kailangan maintindihan mo na ang kagandahan ay nahahanap sa paglakbay ng iyong patutunguhan. Hindi mo ba nakikita na sa bawat magandang tanawin, pagkakarapa, hayop, maling liko, bagong sikat ng araw at taong makikilala mo nahahanap ang tunay na kagandahan at halaga ng paglalakbay. Tingnan mo ‘to.”. Pagliko ng magkapatid ay muli nilang nakita ang dagat ng ulap at ang kagandahan ng Pilipinas, ngunit ngayon ay mas pinahalagahan ito ni Anton hindi dahil nasa tuktok siya ngunit dahil ito ay naging bahagi ng kanyang paglalakbay. Tama ka, salamat, kuya! Ngayon mas papahalagahan ko na ang lakbay, hindi lamang ang destinasyon.”. “Walang anuman, Ton, never stop climbing”.
Ginamit ni Anton si Carlos bilang kanyang inspirasyon. Inalala niya lahat ng payo mula sa kanyang kapatid katulad ng kahalagahan ng pasasalamat, na okay lang na madapa, mawala at huminga, at na mahalaga ang bawat lakbay ng buhay dahil ito ang nagdadala sa’yo sa iyong destinasyon.
Sa bawat bundok na inakyat ni Anton ay inalala niya ang mga ito. Hindi siya tumigil sa pag-akyat upang maabot ang tuktok ng mga bundok ngunit ngayon may halaga na ang paglalakbay sa kanyang buhay.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
WATERMAN
ni Wocky Singson
May isang malaking kawayan sa gitna ng lungsod ng Sikundarya. Wasak ang mga gusali sa kapaligiran. Maraming kaputol na plantsa na nagkalat sa loob ng kawayan. Umaakyat ang usok sa langit. Sa loob ng kawayan, may dalawang tao na naglalaban. Ang isa ay nanghihina na. Pagapang siyang tumatakas, at hawak niya ng isang malaking sugat sa kanyang tiyan. Hinahabol niya ang paghinga. Tila matatalo na siya.
“Wala na, Waterman.” Sinabi ang ikalawang tao. Mapagmalaki siyang tumayo. Ang kanyang katawan, parang hindi siya nasaktan. Mapangutyang ngiti ang kanyang iniwan. Lumalakad siya nang mabagal patungo kay Waterman, doon sa lupa.
“Hindi ka mananalo, Mr. Pasok…” bulong ni Waterman. Umubo siya.
“Sigurado ka ba?” Tumawa si Mr. Pasok. “Malapit nang matapos ang aking misyon. Gagawa ako ng magandang panahon sa Sikundarya, para magkaroon ako ng pasok magpakailanman!”
Itinaas niya ang kanyang kamay. Bigla, nahawi ang mga madidilim na ulap sa langit. Magiging maingay ang huni ng mga ibon. Malamig ang mga bugso ng hangin. Humalimuyak ang mga namumulaklak na bulaklak sa kapaligiran. Nanood si Waterman sa kanyang katakutan. Nanlaki ang kanyang mata.
“Hindi…” Ingitan si Waterman.
Tumawa si Mr. Pasok. “Ang huling hadlang sa aking plano ay… Ikaw. Bago ko tatapusin ang aking layunin, tatapusin kita.” Itinaas niya ang kanyang kamao.
Ipinikit ni Waterman ang kanyang mata. Wala na, heto na ay ang aking katapusan. Iniisip niya. Natalo ako…
“Waterman!” Nagulat si Waterman at si Mr. Pasok. Tumingin sila sa pinagmulan ng boses. Isang babaeng kabataan. Sumigaw siya ulit. “Waterman! Huwag kang susuko! Magka-cancel ka ng classes, para sa aming mga tao ng Sikundarya! Naniniwala ako sa iyo, Waterman!”
“Ako din!” Sigaw ng isang lalaki na nakasuot ng suit. “Naniniwala ako sa iyo, Waterman!”
“At ako!” Sigaw ng iba.
“Ako din!”
“Naniniwala ako sa iyo!”
“Naniniwala kami sa iyo, Waterman!”
Maingay ang mga tagay ng tao. Maraming tao doon sa gilid ng kawayan. Lahat sila, tumatagay para kay Waterman. Alam nila na siya matatalo sa labang ito. Bilib na bilib sila tungkol dito. Tumingin si Mr. Pasok sa mga tao. Makikitang naiinis na. Nabulabog siya ng mga tao kung kaya hindi niya napansing nakabangon muli si Waterman.
“Alam mo, Mr. Pasok,” sinabi si Waterman. Ang boses niya ay lumalim at astig. “Mahal ko ang mga tao ng Sikundarya. Kung gusto nilang iwasan ang mga klase, bibigay ako na iyan para sa kanila.” Nahintakutan si Mr. Pasok.“Rainstorm fist!” Ikinumpas ni Waterman ang kanyang kanang kamay. May isang simbolo sa likod ng kanyang kamay na kumikinang. Mukhang sapot ang simbolo na iyan.
Biglang may kumidlat at kumulog. Nagdilim ang langit. Malakas ang bugso ng hangin. Nabunot ang mga puno at nagliparan ang mga kotse sa kalsada. Bumuhos ang malakas na ulan.
“Paalam, Mr. Pasok.” ulat si Waterman.
“Huwag!”
Biglang umuulan nang malakas. Mabilis na bumuhos ang malalakas na patak ng ulan.. Bumaha ang mga kalye’t kanal sa Sikundarya. Wala nang makitang tao dahil sobrang lakas ng buhos ng ulan. Bumagsak si Mr. Pasok sa lakas ng ulan.
“Ayaw ko na.” Sinabi si Mr. Pasok ng mahina. “Suko na ako.”
Binaba ni Waterman ang kanyang kamay. Tahimik ang lahat. Tapos biglang, sinuntok niya ang langit. Ang mukha niya ay pagod, masakit, pero tagumpay. Hindi tumigil yong ulan.
“Waterman! Waterman!” sigaw ang mga tao ng Sikundarya. Ngayong araw, matagumpay silang lahat. Nakansela na ang lahat ng mga klase sa siyudad.
“Waterman! Waterman!”
Tatlong taon ang lumipas. Hindi pa rin tumitigil yong ulan sa lungsod ng Sikundarya. Laging baha ang mga kalye. Wala ding kuryente dahil nasira ang mga circuits dahil sa ulan.
Bumagsak din ang lahat ng mga kumpanya. Dahil sa baha at ulan, hindi na kayang pumunta ng mga tao sa kanilang trabaho. Iba, umalis sila sa lungsod dahil sa mabangis na panahon. Ang nag-iisang kumpanya sa Sikundarya ay ang “Active City-Wide Drainage System,” o ang “ACWDS.” Sila ay ang kumpanya na magtatayo ng isang malaking sistemang lagusan sa ilalim ng lupa.
Diyan nagtatrabaho si Pedro Sanchez, ang tatlumpu’t limang taong lalaki. Ang dati niyang pagkakakilanlan ay si Waterman.
Upang makita niya na bumagsak ang kanyang siyudad, itinigil niya ang kanyang trabahong bayani. Alam niya na ang pagkabigo ng Sikundarya ang kanyang kasalanan. Wasak ang kanyang lakas na loob dahil sa ito.
Inihanda niya ang kanyang mga gamit para sa trabaho.
“Madilim ulit ang langit.” malungkot na sabi ni Pedro. “Lagi nalang umulan.” Hawak niya ang busol.
“Tito Pedro!” Tumigil si Pedro at tumingin siya sa kanyang likod. Nakita niya ang isang batang babae na tumatakbo sa kanya.
“Tito Pedro! Alis ka na ba?” Siya’y si Nyla, ang limang-taon gulang na pamangkin ni Pedro.
“Oo, Nyla.” Lumuhod si Pedro sa harap ng bata.
“Kailan ka ba babalik, tito?”
“Five PM, Nyla. Bibili din ako ng Makdo Fried Chicken para sa ating dalawa!”
“Yey! Makdo!”
“Aalis na ako, Nyla. Paalam!”
“Paalam, po!”
Tumayo si Pedro at lumalakad siya pupunta sa pinto.
“Tito Pedro?” Tanong si Nyla. Tumigil si Pedro ulit.
“Ano, Nyla?”
“Kailan po ba ako pupunta sa eskuwelahan?”
Nahulog ang mukha ni Pedro. Kunot ang kanyang noo. Natahimik siya nang matagal bago siyang nakapagsalitang muli.
“Hintay ka nalang muna, Nyla.” napilitang ngumiti. “Baka sa susunod na taon. Aalis na ako.”
“Bye-bye, tito!”
“Bye-bye, Nyla!”
“Pasensya na po.”
“Ginoong Sanchez.” Sinabi ng isang boses na matindi. “You’re late. Again!”
Nakasuot ang may-ari ng boses ng isang mahal na suit. Ayos ang kanyang buhok mukhang José Rizal. Sa kanyang kanang pulso, may isang malaki at gintong relo. Umupo siya sa kanyang mesa. Sa ibabaw ng mesa ay isang placard na may pangalan: ‘Gg. Maximo de Guia.’ Siya ay ang boss ng organisasyon responsibilidad sa ACWDS.
Magpatuloy si Maximo, “Alam mo ba kung ano ang mga kahihinatnan sa iyong kawalan sa kahulugan?” Galit siya. “Kung wala tayong manggagawa, humihinto ang pag-unlad ng agusan! Gusto mo ba na hindi malutas ang pagbaha sa Sikundarya?”
Napayuko si Pedro. “Pasensya na po, Ginoong de Guia.” Tahimik siya.
“Sige. Get back to work.”
“Yes, po…”
Upang bumuwelta si Pedro pupunta sa kanyang poste, nakita ni Maximo ang isang tsapa sa likod ng kanyang kamay. Mukhang isang kupas na peklat na sa hugis ng isang sapot. Lumawak ang mga mata ni Maximo. Ang tao sa kanyang isip, si Pedro ba talaga? Si Pedro ba ay talagang Waterman?
“Sandali lang!” Inutos si Maximo. Nalilito si Pedro at siya’y bumwelta ulit.
“Waterman?”
Nagulat si Pedro. “Paano-?!” Nakita niya ang kanyang nakalantad na kamay, at tumatakip niya iyan gumagamit ang kanyang ibang kamay. “Sino ka?”
“Kumalma ka, Pedro. Alam mo kung sino ako.” Sinabi si Maximo nang mahina. Umabot siya ang kanyang kamay ng konti, ang palad ay nakaharap sa kisame. Biglang may nagniningning sa kanyang kamay. Isang bolang dilaw. Parang yong itsura ng araw. “Ako’y si Mr. Pasok.”
“Talaga?” Nalilito si Pedro.
“Oo, Ginoong Sanchez. Sa tatlong taon na wala ka, sinubukan ko matitigil ang ulan at ang baha sa Sikundarya. Pero, sobrang mahina ang mga kapangyarihan ko kumpara sa Water Powers mo. Iyan ay ang dahilan kung bakit nagtayo ako ng “Active City-Wide Drainage System.” Lumalim ang boses ni Maximo. “Alam ko na magaganap ang mga kahihinatnan dahil sa mga kilos mo, at iyan ay ang dahilan kung bakit sinubukan kong pigilan ka. Pero mahina ako.”
Ikinuyom ni Pedro ang kanyang kamao. “Paano ako makakatulong? Alam ko na lahat ito ay ang aking kasalanan, at gusto kong ibabalik ang Sikundarya sa dating anyo.” Magiging mahina’t malungkot ang boses niya. “Pina-pressure ako ng mga tao. Akala ko na tama ang lahat ng mga gusto nila. Pero, hindi pala. Naging ako. Gusto ko lang panatilihin ang aking titulo ng ‘Bayani ng Bansa.’ Akala ko na kung hindi ako susunod sa mga nais ng mga tao, ayaw sila sa akin. Pero, tignan mo. Wasak na ang aking minamahal na Sikundarya dahil sa aking mga kilos.”
Tumingala si Pedro ang kanyang ulo. “Hindi ko kaya itigil ang ulan dahil puwede lang akong gumawa ng tubig. Pero, kung may alam kang paraan para , makatulong ako sabihin mo sa akin.”
Tumango si Maximo. “Sundan mo ako.”
Tumayo ang dalawang lalaki sa tuktok ng isang skyscraper. Malakas doon ang ulan at ang hangin. Parang puwede silang itapon dahil sa kalakasan ng mga element ng langit.
“Bakit nandito kami?” Sigaw si Pedro. Sobrang maingay ang patak ng ulan at hangin na hindi niya kaya naririnig ang kanyang sariling boses.
Tinanggal si Maximo ang kanyang diyaket. “Heto ay ang pinakamataas na lugar sa buong Sikundarya! Ito din ay ang pinakamalapit sa langit. Mas mabisa ang aming mga kapangyarihan kung malapit kami sa pinagmumulan ng bagyo!”
“Sandali lang- aming kapangyarihan? Sinabi ko sa iyo na hindi ko kayang patigilin ang ulan!”
“Siyempre, oo! Pero puwede kontrolin ang tubig, diba?”
“Oo! Bakit?”
“Meron akong plano!” Minasahe ni Maximo ang kanyang sariling kamay. “Ang lahat ng mga tubig! Yong nasa ulan, at nasa baha, pangkatin mo sila sa isang bola sa langit!”
“Ano?” Nalilito si Pedro. “Bakit-”
“Just do it!” Magiging matindi si Maximo. “Gusto mo bang ayusin ang Sikundarya o hindi?”
“Gusto ko!!” Ikinumpas ni Pedro ang kanyang kanang kamay. Nagniningning ulit ang simbolo sa likod ng kanyang kanang kamay. Kahit na mabagal, biglang tumaas ang tubig baha pupunta sa langit. Tumigil din ang ulan. Nakulong at nadidikit ang mga patak sa loob ng mga ulap. Nabuo ang lahat ng tubig sa hugis ng isang bola sa langit. Sobrang mahirap ito, at ito ay makikita sa kanyang mukha; nagtatangis na mga ngipin at kunot na mukha.
Nagulat ang mga tao ng Sikundarya. Titingin sila sa labas. Hindi sila naniniwala kung anong nangyayari. Maraming nag-gasp. May marami din na tuldok sa langit. Natigil ang mga tao ang mga gawain nila dahil sa pangyayari na ito.
“Ayan!” Sumigaw si Maximo. “Panatilihin mo lang ang bola doon sa langit!”
Gumulong si Maximo ang kanyang mga manggas. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, ang palad nakaharap sa bolang tubig. Kunot ang kanyang noo sa konsentrasyon. Biglang may malakas na ilaw na nagniningning sa kamay niya.
“Sunray of Life!” Sumabog ang ilaw sa kanyang kamay, at lumilipad ito sa tubig sa langit. Upang tinamaan ang ilaw sa tubig, biglang naglahoang bola. Malansag ang lahat ng tubig na parang kaagad.
Tumigil na ang ulan. Wala na din ang mga baha. Umaawit ang mga ibon sa kapaligiran. Muling sumikat ang arawsa langit, at napawi ang madidilim ng mga ulap. Galing sa kulay-abo, kulay bughaw ulit ang langit. Kalmado din ang hangin. Pumunta ang lahat ng mga tao sa labas; sa mga kalye, sa mga parke. Hindi sila makapaniwala. Nawala na ang bagyo’t baha. Magsaya silang lahat.
“Puwede na akong makabalik sa aking trabaho!” Sinabi ng isa.
“Puwede na akong pumunta sa US para makita ko ang aking mga anak…”
“Ligtas ang Sikundarya!”
“Kung sino ang responsibilidad sa ating kaligtasan, maraming salamat!”
Sa tuktok ng skyscraper, bumagsak si Pedro at Maximo dahil sa pagod. Sa baba ng gusali, nagsasaya pa rin ang mga nakatira sa Sikundarya. Tagumpay silang dalawa. Dahil sa kanila, ligtas ang Sikundarya.
Isang taon ang lumipas…
“Tito Pedro! Tito Pedro!” Tumatakbo si Nyla patungo sa kanyang tito. Sa kanyang likod, may marami pang bata na pumunta sa kanilang mga magulang at yaya. At meron din isang gusali. May karatula sa taas ng dayag: ‘Sikundarya Elementary School.”
“Nyla!” Tawag si Pedro. Nagyakap silang dalawa. “Kamusta ang iyong unang araw sa eskuwelahan?”
“Sobrang masaya, po!” Natutuwa siya. “Meron na akong kaibigan! Ang pangalan nila ay si Sebastian at si Maria! Sobrang mabait silang dalawa!”
“Talaga? Ang saya naman…” Ngumiti si Pedro ng malaki.
“Nandiyan pa po sila, tito!” Tinuldok si Nyla sa dalawang bata na nagbati sa kanya.
“Sige, Nyla, pupunta na kami sa bahay. Mag-bye-bye ka na sa mga kaibigan mo, ha?”
“Bye bye!” Sumigaw si Nyla.
“Bye bye!” Sumigaw din sina Sebastian at si Maria.
Hawak ni Pedro ang kamay ng pamangkin niya at lumalakad sila papunta sa kanilang bahay. Sa daanan, nakita niya ng isang pamilyar na mukha sa distansya. Si Maximo. Nagtama ang kanilang mga paningin. Ngumiti at tumango si Maximo. Gumawa din si Pedro ng pareho sa tugon. Upang lumampas sila ang bawat isa,tuminginsi Pedro sa langit at ngumiti.
Salamat, Maximo. Iniisip niya. Dahil sa iyo, napagtanto ko na ang pagkilala ay hindi lahat. Tumigil na ako bilang Waterman. Wala na ang buhay na iyan. Pero napagtanto kong ang pinakamahusay para sa mga tao ay hindi lagi ang gusto nila. Pero sa wakas, sila ay ligtas mula sa pinsala, at magkakaroon na nang mas mabuting hinaharap.
“Bakit tumingin ka sa langit, Tito Pedro?” Tinanong si Nyla.
“Ay, wala lang.” Umiling si Pedro. “Masaya lang ako. Gusto mo ba ng Makdo Fried Chicken?”
“Makdo? Opo, tito!”
Nagtatawa si Pedro. Masaya din siya. Masaya siya, dahil alam niya na nakatira ang mga tao sa isang Sikundarya na walang bagyo. Walang problema. Protektado ang mga tao. Protektado din ang kanyang minamahal na kamag-anak. Perpekto na ang kanyang lungsod, at ayaw na niyang magbago.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
LANGOY
ni Gregory Cheong
Noong bata pa si Pedro, mahilig na siyang lumangoy. Naturuan siyang lumangoy noong apat na taong gulang lamang siya. Inihagis siya ng kanyang tatay sa swimming pool. Noong una, natakot siya dahil hindi siya makahinga pero noong natuto siya nang tamang paggalaw at paghinga sa tubig, nagustuhan niya nang sobra ang paglangoy. Tuwing walang pasok nagpupunta siya sa swimming pool.
"Nay! Magswimming tayo!" sigaw ng limang taong gulang na bata.
"Kakapunta lang natin Pedro," sagot ng nanay.
"Kung gusto mong lumangoy araw-araw, mag-swimming lessons ka nalang kaya," sabi ng tatay niya. At noong sumunod na na linggo, nagsimula ang swimming lessons ni Pedro.
Mabilis na natuto si Pedro. Pagkatapos ng limang buwan, nais ng coach niyang isali siya sa isang novice competition. Kinabahan ang magulang dahil dito pero gusto rin ni Pedro na sumali. Nagkamit siya ng maraming medalya. At mula dito, tuloy-tuloy na ang pagsasanay ni Pedro hanggang sumapit siya ng abingsiyam na taong gulang at nakapasok siya sa National Team. Malapit na siya sa layunin niyang pumunta sa Olympics.
Pero bago maka-qualify si Pedro, nagkaroon ng matinding bagyo. Sa sobrang lakas ng ulan at hangin, namatay ang nanay niya sa isang baha. Ang nangyari ay lumikas sila pero may naiwan na bagay ang nanay niya sa loob ng bahay. Bumalik siya para kunin ito, noong nakuha niya ito hindi na siya nakalabas. Nalunod siya sa baha. Nalungkot si Pedro at simula noon ay nawalan na ng interes na lumangoy. Hanggang nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit namatay ang nanay niya. Climate Change. Dahil dito, tumindi ang mga bagyo at pagbaha.
"Kailangan kong gamitin ang kakayahan ko sa paglangoy para mahikayat ang maraming tao na sugpuin ang problema sa climate change," sabi ni Pedro.
Ang plano ni Pedro ay languyin ang maruming tubig ng Manila Bay para makita ang mga tao na marami silang ginagawang masama para sa kalikasan. Hinihiling niya sa mga kababayan na itigil ang mga paninira sa kalikasan. Ang coach niya ay hindi sumang-ayon sa kaniya.
"Baliw ka ba?!" sigaw ng coach niya noong sinabi niya ang plano. "Wala ng nakalalangoy sa Manila Bay sa sobrang dumi nito! Mamamatay ka!"
"Kung mamamatay ako, malalaman ng mga tao na ito ay dahil sa climate change at polusyon. Masyadong madumi ang tubig dahil sa basura ng mga tao," sagot ni Pedro.
Dumating ng araw ng paglangoy ni Pedro. Maraming tao ang dumating para manood. Tumalon siya sa tubig. Ang una niyang naramdaman ay wala siyang makita. Sobrang madumi ang tubig. Pero tiniis lang ito ni Pedro. Tinaas niya ang ulo niya para makita ang pupuntahan. Tuloy-tuloy siyang lumangoy.
Sa gitna ng paglangoy niya, may naramdaman siyang kakaiba. Sumakit ang tiyan niya, bumigat ang mga braso. Hindi na siya makahinga. Pero hindi siya tumigil. Naramdaman niyang tinutulak siya ng tubig. Tinutulongan siya ng Manila Bay upang tapusin ang paglangoy.
Noong dumating siya sa dulo ng langoy, napagod na siya nang sobra. Nais na niyang tumigil. Pero ibinuhat siya ng tubig at dinala siya sa pampang. Nagtaka si Pedro. Siya ba ang gumawa noon?
At ngayon natuklasan ni Pedro ang bago niyang kapangyarihan na natanggap niya dahil sa paglangoy sa Manila Bay, ang kapangyarihang i-kontrol ang tubig. At mula noon, ginamit niya ito para tumulong sa kapwa at palaganapin ang kapayapaan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANUMAN ANG KINAKAILANGAN
ni Julia De Ocampo
Ngayon ay ang ika-17 ng Disyembre. Malamig ang hangin at saan ko man ibaling ang aking paningin, puro Christmas lights ang nakikita ko. Gustong-gusto ko ang panahong ito -- masaya ang atmospera, maraming pagkain kung saan-saan, at ang pangunahing dahilan kung bakit ko gusto ang panahong ito ay maganda ang negosyo, lalo na para sa akin -- para sa isang drug dealer.
Nagsimula ang negosyo ko noong dalawampu’t taong gulang na ako. Kinakailangan ng pamilya ko ng pambayad para sa renta ng bahay, kung hindi, mapalalayas sila at mawawalan kami ng bahay. Tumulong ako sa anumang paraan na posible kong gawin. Sinubukan kong mag-apply sa iba’t-ibang trabaho, pero walang tumanggap sa akin. Namalimos sa mga tao na nasa kalsada, pero wala pa rin akong naiipon. Ngunit, isang araw, nagkita kami ng kaibigan ko at tinanong ko siya kung paano kumita ng pera ng mabilis. Sumenyas siya upang lumapit ako -- parang may sasabihan siyang isang sekreto sa akin.
“Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino. Klaro ba?”
“Oo, klaro. Wala namang akong sasabihin eh...”
At doon, sinabi niya sa akin ang malaking sekreto niya. Kumukuha siya ng mga ilegal na droga at binebenta niya sa iba’t ibang tao. Nagkaroon na siya ng isang malaking network. Ang ibig sabihin nito ay ang mga kaibigan ng mga suki niya ay bumibili na rin sa kanya at nagdagdag siya ng iba’t ibang mga koneksyon. Ang industriya ng ilegal na droga ay tahimik lamang at isang malaking-malaking sikreto. At ako ay naging parte nito.Ang pagbenta ng droga ay simple lang. Ang mga nagbebenta ay ang pumupunta sa kliente. May isang lugar na magkikita-kita, at doon magaganap ang benta. Walang opisyal na opisina, kaya hindi kami nahuhuli ng madali.
Sa una kong buwan, medyo mabagal pa yong negosyo. Hindi pa ako nakadagtdg ng kliyente at suki na maaasahan ko. Noong isang araw, pumunta ako sa isang maabalang lugar, malapit sa isang kolehiyo, at doon ako nagbenta. Karaniwang 3pm ang pinakamagandang oras ng bentahan. Aba! Hit na hit! Pumalo ang negosyo ko at sa isang araw, kumita ako ng P70,000! Kumalat ang balita sa iba’t ibang mga estudyante, at ako ay ang itinalagang drug dealer para sa kanila.
Alam na alam ko na mali ang ginagawa ko. Sinasamantala ko ang mga estudiyante. Pero, nakatutulong ako sa aking pamilya. Nababayaran na ang renta para sa bahay at nakabayad na sa lahat ng utang ng aking pamilya. Kaya sa isip ko, hindi masyadong mali ang ginagawa ko kung may itutulong na rin ako.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, nagtanong din ang mga magulang ko kung saan ko nakukuha ang aking pera. Kaya, kinailangan kong magsinungaling sa kanila.
“Ah, Ma, Pa, may nakuha akong isang trabaho sa call center” ang sinabi ko sa kanila. Hindi ko makakalimutan ang kanilang mga mukha. Ipinagmamalaki nila ang kanilang anak ay isang call center agaent -- hay, kung malaman lang nila kung ano talaga ginagawa ko.
Pagkatapos ng dalawang taon, drug dealer pa rin ako. Pero, lumago nang lumago ang aking negosyo. Dati, pumupunta lang ako sa mga eskwela at doon ako nagbebenta, pero ngayon , may mga “house calls” na ako para sa mga kasiyahan, at hindi lang mga estudyante ang binebentahan ko, ngunit mga workers din; iba mga doktor o businessman. Pero, kahit lumalaki ang aking negosyo, mas importante ngayon ang pagtatago na sikretong ito. Nagiging mas malala ngayon ang Extrajudicial Killings. Alam ko na dahil dito, dapat talaga akong huminto nang magbenta ng droga; pero kapag nakikita ko kung gaano kasaya ang aking pamilya, hindi ako makakahinto. Ang lagi ko lang sinasabi sa aking sarili ay ginagawa ko ito para sa aking pamilya, yun lamang.
Ngayon ay ang ika-17 ng Disyembre at may isa akong “house call”. Ang kliyente kong ito ay nakatira sa isang eksklusibong lugar. Kinuha ko ang aking set-up.
Unang-una, nagbihis muna ako. Sinuot ko ang Barong Tagalog, kumuha ako ng briefcase -- parang isang businessman. Ngunit, sa briefcase ko, walang mga papel, walang komputer, droga lang ang nasa loob. Ang plano ay pagdating ko sa lobby ng building kasama ng briefcase ko, magpapalit kami ng briefcase ng aking kliyente -- ang makukuha ko ay ang briefcase niya na na naglalaman ng kanyang kabayaran, at sa kanya naman ay ang mga droga. Ang deal na ito ay P50,000. Dahil dito, mabibili ko na ang regalo para sa mga magulang ko! Roundtrip tickets papunta sa Japan!
Aalis na sana ako ng bahay, noong tinawag ako ng aking Nanay.
“Pedro, alis na tayo!”
“Ha? Ma, alis para saan?”
“May doctors appointment ako, ‘nak. Sinabi mo ikaw ang magdadala sa akin”.
Nakalimutan ko! Kailangan kong samahan ang Nanay ko, pero kailangan ko ang pera galing sa delivery ngayon. Kinuha ko yong aking cellphone at tinawagan ko ang aking kaibigan.
“Pare… may isang malaking pabor na kailangan kong ipagawa sa iyo…” Sinabi ko sa kanya.
“Ano yun pare?”
Ipinaliwanag ko sa kanya ang aking sitwasyon at kung papayag ba siyang “i-sub in” para sa akin. Inalok ko siya na bibigyan ko siya ng P10,000 para lang gawin ang delivery. Nag-aatubili siya, pero sa wakas, pumayag din siya. Nag-iwan ako ng tagubilin kung ano ang dapat niyang gawin at sinabi ko na kapag natapos na ang delivery, tawagan ako.
Pagkatapos mag-iwan ng gawain at tagubilin dinala ko ang aking nanay sa ospital para sa kanyang “check-up”.
Higit ng apat na oras, hindi pa rin ako tinatawagan ng kaibigan ko para sabihin na kumpleto ang delivery. Inakala ko na tumakbo siya kasama ng aking pera noong may narinig ako sa TV.
“Isa patay dahil pagtutulak ng droga” sabi ng newscaster.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
“Walang paraan na siya yun. Wala talaga! Wala! Wala! Wala! Wal-” Nakita ko ang mukha niya sa screen ng TV. Nakita ko yong sugat ng bala sa kanyang katawan, nakita ko yong briefcase na karga ko kanina na puro dugo na. Hindi ako makapaniwala at napatunganga lang ako sa TV. Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit ito nangyari. Wala siyang ginawa… Wala na akong maisip at maramdaman.
Ngayon ay ang isa-17 ng Disyembre at sa araw na ito, pinatay ko ang aking kaibigan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KALYENG PULA
ni Nico Yambao
Ngayon ay ang ika-17 ng Disyembre. Malamig ang hangin at saan ko man ibaling ang aking paningin, puro Christmas lights ang nakikita ko. Gustong-gusto ko ang panahong ito -- masaya ang atmospera, maraming pagkain kung saan-saan, at ang pangunahing dahilan kung bakit ko gusto ang panahong ito ay maganda ang negosyo, lalo na para sa akin -- para sa isang drug dealer.
Nagsimula ang negosyo ko noong dalawampu’t taong gulang na ako. Kinakailangan ng pamilya ko ng pambayad para sa renta ng bahay, kung hindi, mapalalayas sila at mawawalan kami ng bahay. Tumulong ako sa anumang paraan na posible kong gawin. Sinubukan kong mag-apply sa iba’t-ibang trabaho, pero walang tumanggap sa akin. Namalimos sa mga tao na nasa kalsada, pero wala pa rin akong naiipon. Ngunit, isang araw, nagkita kami ng kaibigan ko at tinanong ko siya kung paano kumita ng pera ng mabilis. Sumenyas siya upang lumapit ako -- parang may sasabihan siyang isang sekreto sa akin.
“Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino. Klaro ba?”
“Oo, klaro. Wala namang akong sasabihin eh...”
At doon, sinabi niya sa akin ang malaking sekreto niya. Kumukuha siya ng mga ilegal na droga at binebenta niya sa iba’t ibang tao. Nagkaroon na siya ng isang malaking network. Ang ibig sabihin nito ay ang mga kaibigan ng mga suki niya ay bumibili na rin sa kanya at nagdagdag siya ng iba’t ibang mga koneksyon. Ang industriya ng ilegal na droga ay tahimik lamang at isang malaking-malaking sikreto. At ako ay naging parte nito.Ang pagbenta ng droga ay simple lang. Ang mga nagbebenta ay ang pumupunta sa kliente. May isang lugar na magkikita-kita, at doon magaganap ang benta. Walang opisyal na opisina, kaya hindi kami nahuhuli ng madali.
Sa una kong buwan, medyo mabagal pa yong negosyo. Hindi pa ako nakadagtdg ng kliyente at suki na maaasahan ko. Noong isang araw, pumunta ako sa isang maabalang lugar, malapit sa isang kolehiyo, at doon ako nagbenta. Karaniwang 3pm ang pinakamagandang oras ng bentahan. Aba! Hit na hit! Pumalo ang negosyo ko at sa isang araw, kumita ako ng P70,000! Kumalat ang balita sa iba’t ibang mga estudyante, at ako ay ang itinalagang drug dealer para sa kanila.
Alam na alam ko na mali ang ginagawa ko. Sinasamantala ko ang mga estudiyante. Pero, nakatutulong ako sa aking pamilya. Nababayaran na ang renta para sa bahay at nakabayad na sa lahat ng utang ng aking pamilya. Kaya sa isip ko, hindi masyadong mali ang ginagawa ko kung may itutulong na rin ako.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, nagtanong din ang mga magulang ko kung saan ko nakukuha ang aking pera. Kaya, kinailangan kong magsinungaling sa kanila.
“Ah, Ma, Pa, may nakuha akong isang trabaho sa call center” ang sinabi ko sa kanila. Hindi ko makakalimutan ang kanilang mga mukha. Ipinagmamalaki nila ang kanilang anak ay isang call center agaent -- hay, kung malaman lang nila kung ano talaga ginagawa ko.
Pagkatapos ng dalawang taon, drug dealer pa rin ako. Pero, lumago nang lumago ang aking negosyo. Dati, pumupunta lang ako sa mga eskwela at doon ako nagbebenta, pero ngayon , may mga “house calls” na ako para sa mga kasiyahan, at hindi lang mga estudyante ang binebentahan ko, ngunit mga workers din; iba mga doktor o businessman. Pero, kahit lumalaki ang aking negosyo, mas importante ngayon ang pagtatago na sikretong ito. Nagiging mas malala ngayon ang Extrajudicial Killings. Alam ko na dahil dito, dapat talaga akong huminto nang magbenta ng droga; pero kapag nakikita ko kung gaano kasaya ang aking pamilya, hindi ako makakahinto. Ang lagi ko lang sinasabi sa aking sarili ay ginagawa ko ito para sa aking pamilya, yun lamang.
Ngayon ay ang ika-17 ng Disyembre at may isa akong “house call”. Ang kliyente kong ito ay nakatira sa isang eksklusibong lugar. Kinuha ko ang aking set-up.
Unang-una, nagbihis muna ako. Sinuot ko ang Barong Tagalog, kumuha ako ng briefcase -- parang isang businessman. Ngunit, sa briefcase ko, walang mga papel, walang komputer, droga lang ang nasa loob. Ang plano ay pagdating ko sa lobby ng building kasama ng briefcase ko, magpapalit kami ng briefcase ng aking kliyente -- ang makukuha ko ay ang briefcase niya na na naglalaman ng kanyang kabayaran, at sa kanya naman ay ang mga droga. Ang deal na ito ay P50,000. Dahil dito, mabibili ko na ang regalo para sa mga magulang ko! Roundtrip tickets papunta sa Japan!
Aalis na sana ako ng bahay, noong tinawag ako ng aking Nanay.
“Pedro, alis na tayo!”
“Ha? Ma, alis para saan?”
“May doctors appointment ako, ‘nak. Sinabi mo ikaw ang magdadala sa akin”.
Nakalimutan ko! Kailangan kong samahan ang Nanay ko, pero kailangan ko ang pera galing sa delivery ngayon. Kinuha ko yong aking cellphone at tinawagan ko ang aking kaibigan.
“Pare… may isang malaking pabor na kailangan kong ipagawa sa iyo…” Sinabi ko sa kanya.
“Ano yun pare?”
Ipinaliwanag ko sa kanya ang aking sitwasyon at kung papayag ba siyang “i-sub in” para sa akin. Inalok ko siya na bibigyan ko siya ng P10,000 para lang gawin ang delivery. Nag-aatubili siya, pero sa wakas, pumayag din siya. Nag-iwan ako ng tagubilin kung ano ang dapat niyang gawin at sinabi ko na kapag natapos na ang delivery, tawagan ako.
Pagkatapos mag-iwan ng gawain at tagubilin dinala ko ang aking nanay sa ospital para sa kanyang “check-up”.
Higit ng apat na oras, hindi pa rin ako tinatawagan ng kaibigan ko para sabihin na kumpleto ang delivery. Inakala ko na tumakbo siya kasama ng aking pera noong may narinig ako sa TV.
“Isa patay dahil pagtutulak ng droga” sabi ng newscaster.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
“Walang paraan na siya yun. Wala talaga! Wala! Wala! Wala! Wal-” Nakita ko ang mukha niya sa screen ng TV. Nakita ko yong sugat ng bala sa kanyang katawan, nakita ko yong briefcase na karga ko kanina na puro dugo na. Hindi ako makapaniwala at napatunganga lang ako sa TV. Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit ito nangyari. Wala siyang ginawa… Wala na akong maisip at maramdaman.
Ngayon ay ang isa-17 ng Disyembre at sa araw na ito, pinatay ko ang aking kaibigan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SA LABAS NG PINTO
ni Marty Tirona
Pag gising ni Bea, madilim pa sa labas ng bintana niya. Malamig ang hangin kahit electric fan lang ang gamit niya. Pag nagigising si Bea ng madaling araw, naonood lang siya ng konting youtube tapos natutulog na siya. Pero, nong narinig niya ang kaluskos ng puno sa labas ng bintana niya naiba ang pakiramdam niya.
Parang may tumitingin sa kaniya kahit nakatago siya sa ilalim ng kumot. Kahit pa anong pihit niya sa kama. “Sige nga, pupunta na ako sa kwarto nina mama, bulong niya sa sarili. Kahit dalaga na si Bea, alam niya hindi siya makatulog sa loob ng kwarto nararamdaman niyang may multo.
Bumangon si Bea pero tumigil siya nang nakita niya ang nasa labas ng pintuan niya. Sa saan siya nakatago, makikita ang dalawang paa ng anino mula sa tuhod.
Paggising ni Bea kinabukasan, mga alas-otso na. Gising na ang buong pamilya niya at naamoy niya ang corned beef na niluto ng mama niya. Pagbangon ni Bea, naalala niya bigla yong sa labas ng pintuan. Dahil sa mataas na ang sikat ng araw, wala nang makikita. Bumaba si Bea para samahan ang kanyang ina para mag-almusal. Nakaalis na ang kuya niya papuntang Makatikung saan ito nagtatrabaho.
Kinuwento ni Bea ang nangyari sa nanay niya, hinihintay niyang sabihin “tawagin mo yong padre”para pwedeng pabasbasan yong bahay. Tumatawa lang ang nanay niya, “Hay nako, panaginip lang iyan!”
Tumakbo si Bea paakyat sa kwarto dahil naramdaman na niya ang luha sa mata niya. “AAAAAAARRGGHH! Bakit ganyan si mama?! Hindi ako baliw, alam ko yong nakita ko!” Sumisigaw si Bea dahil nakakainis ang nanay niya. Malamang kahit sino yong makaririnig ng kuwento niya, ta tawa lang siya at sasabihin lang na baliw siya. “Walang kumikinig sa akin” ang sigaw ni Bea. bigla naramdaman niya ang kamay na na kakapit sa braso niya. “Okay lang Bea, hindi ka baliw”, tumingala siya at------
Umakyat ang nanay ni Bea dahil medyo matagal nang wala si Bea, walang anuman ingaygaling sa kwarto niya. Natigil anf nanay ni Bea pagbukas ng pinto, hindi niya mahanap si Bea, napansin niya ang mga patak ng dugo lang sa sahig.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nais
ni Zac Ko Teh
“Deet deet deet” naririnig ni Paolo ang alarm, tumayo siya galing sa kama. Nakita niya ang labas ng bintana. Napakaraming bituin sa labas ng bintana. Nakikita niya sa kanyang kuwarto na marumi ang mga metal na pader at sahig at ang aandap-andap na liwanag sa kisame. May isang salamin sa tabi ng bintana. Nakita niya. Malagkit at itim na buhok, ang katawan ay payat subalit bakas ang malakas na pangangatawan nito, ang mata ay berde, balat ay kayumanggi, at kanyang mukha ay matalim.
Naglalakad siya sa koridor salabas na kaniyang kuwarto. Marumi at maraming abosa sahig at pader ng metal koridor. May kaunting ilaw sa kisame. Pumunta siya sa malaking kusina.
Napakaraming tao anguusap, kumakain, at lumalakad sa kusina. Nakikita ni Paolo ang kaniyang kaibigan. Ang pangalan ng kaibigan ay Ponto siya ay kasinlaki ng oso at kasinlakas ng kabayo. May bilugang mukha at ang buhok ay luya. Ang mga mata ay kayumanggi. Kumakain siya ng lugaw sa pinakamalayong lamesa. Lumakad siya papalapit kay Ponto. “Kumusta Ponto!” tanong ni Paolo. Nakita ni Ponto si Paolo at tumalonsiya. Umupo si Paolo sa tabi ni Ponto. “Anong naiiba?” tanong ni Paolo “wala” sagot si Ponto. Kumakain sila ng lugaw nang marinig nila ang announcer.”
Tinapos nila ang lugaw at sinabi si Ponto “maraming trabaho ngayon.” “Ayyy malayo ang lalagyan.” Nagreklamo si Paolo. Tumayo si Ponto at sinabi niyang “Huwag kang tamad , kami ay nagtatrabaho, kung hindi natin ito tatapusin araw-araw may kota tayo kung hindi, tayo ang itatapon nila!”
Tumalon si Paolo at sinabi sniyang “totoo, ayaw kong mamatay!” Tumatakbo si Ponto sa mga lalagyan ng basura at sinabi niyang “Paolo ang bilis mo, hintayin mo ako!” Sigaw Ponto.
Pumunta sila sa lugar. May maraming tao tumatakbo sa tambakan ng basura at gumagawa ng mga tao ang basag na basurang lagayan. Napakaraming tambak ng basura sa sahig at ang lagayan ay kasintaas ng skyscraper. Maraming engineers ay tinatakpan ang lagayan. Ang Foreman nakita ni Ponto at Paolo “ikaw! Dalawang engineers! Tulungan ninyo ang mga enhinyero!
“Opo foreman pero mayroon lang kaming maliit na blowtorches…” Sinabi si Ponto. “Wala akong pakialam! gusto mo kumakain at nang mabuhay? Magtrabaho na!”
“OPO!” Pinakamabilis na pagtakbo ni Ponto at Paolo.
Pagkatapos gumagawa sila ng mga lagayan. Lumalakad si Paolo at Ponto sa mga koridor ng kuwarto. Si Paolo sinabi “pagod, marumi, at pinakamabaho ako! walang breaks! Ang mga higher ups ay magtratrabho kami!” Nakita ni Paolo ang malungkot na mukha ni Ponto. “Ito ang aming buhay” sinabi si Ponto. “Hooo sana mamatay ang mga higher ups.” sumimangot si Paolo,“ ang sigaw ni Paolo. Ingat Paolo tulungan mo ako.”
“Boom!” nagalit si Paolo at nahulog siya galing sa kama. “Oy ano?!”. Naglakad palabas ng kwarto, maraming tao ang nakatingin sa koridor. Maraming siren at alarm sa koridor “tinamaan kami ng bulalakaw” narinig si Paolo galing sa announcer.
Sinabi ng announcer “tinamaan ng bulalakaw ang mga kuwarto ng Higher ups!” Ngumiti Si Paolo at siya ay sumigaw “Libre tayo!” maraming tao ang nagdiwang. Ngunit sinabi ng announcer “maraming insekto kasinlaki ng maliit na kotse! Lumalabas sila galing sa bulalakaw!”
Namutla si Paolo, “ano?” “Sinasalakay tayo ng mga insekto! Isara ang mga pasukan ng slums, bilis!” utosang announcer.
Sinasara ng mga guwardiya ang mga pintuan at narinig ang mga yabag ng insekto. Sinara ang mga makapal na metal na pintuan. “Thud creek” ang mga insekto ay itinulak at winasak ang pintuan.
Nakita ni Paolo at ng mga tao ang paggiba sa pintuan at narinig ang mga ingay galing sa insekto.
Sinabi ang announcer “pumunta kayo sa mga kuwarto! Ang mga guwardiya na ang bahala sa problemang ito.”
Pumunta si Paolo sa kuwarto. “Ang mga guwardiya hawak ito, magiging ligtas ako,” bulong sa sarili ni Paolo.
Apat na linggong walang balita mula sa nangyari.
Sinabi yung announcer “ang bulalakaw ang bumagsak sa lugar ng mga higher ups!”Pinatay ng mga insekto o Kragam ang mga guwardiya.
Pumunta si Paolo sa mga pintuaan ng mga kuwarto. “Pumunta tayo sa pasukan,” ang sabi ni Paolo.
Napakaraming tao sa pasukan, nakita ni Paolo si Ponto sa gitna ng karamihan ng tao.
“Naisip ko ang plano upang makalayakami at patayin ang Kragam!” sumigaw si Paolo
“Kaunting pagkain sa storage! Lalabanan natin ang mga Kragam upang mabuhay!”
“Narito ang plano” wikasi Paolo.
“Ang kragam ay parang mga langgam” sinabi si Paolo. “Opo, nakita ko ang mga kragam kapag may banta sa kanilang pugad.” sinabi ng isang engineer. “Napakamaraming guwardiya ang umatake sa pugad ng mga kragam subalit nangamatay silang lahat.
“Kung may banta sa kanilang pugad lalabas sila galing sa pugad at pupunta sa banta. Doon natin pupuksain ang mga kragam,” paliwanag ni Paolo.
“Una kailangan natin ng mga sandata. Ang mga blow torches, jack hammers, at malaking martilyo para ng chitin nila.” dagdag pa niya.
Kunin ang mga kagamitan sa bodega at humanda upang lusubin ang pugad ng mga kragam.
“Ang reyna ng mga kragam sa gitna ng pugad, mamamatay siya, panalo tayo!”
Binuksan ang mga tao ang steel ng malaking pintuan. Tumakbo sila sa pamamagitan ng nasirang lungsod. Tahimik at madilim ang mga gintong kalsada at gusali. Pinatay nila ang mga Kragam scouts.
Walang katawan sa lungsod. Pumunta sila sa pasukan ng pugad. May maraming buto at nasirang baril sa pasukan.
“Hahandaan kayo ang aking tenya Magsipaghanda na kayo! Lulusubin natin ang reyna!” sinabi si Paolo, tumango ang mga tao. Gumamit si Paolo ang pulang flare. “Iyon ang tenya ni Paolo!” sinabi si Ponto, nagsipaghandaang mga tao. Handa na rin ang kanilang mga tools. Gumuwa sila ng maraming ingay.
Namutiktik ang mga Kragam galing sa kanilang pugad. Si Ponto at ang mga tao ay sumisigaw at kumakaway ng mga blow torches. Ang Kragam at mga tao ay nagsimulang maglaban. Ang mga tao ay gumagamit ng mga tubo at sticks upang ma-hit at i-wack ang Kragam, habang ginamit ng Kragam ang kanilang mga mandibles.. Maraming tao ay gumamit ng mga blow torches at sinunog ang Kragam. Gumagamit rin sila ng malaking martilyo at dinurog ni Ponto ang mga Kragam. Habang nakikipaglaban sila, pumuslit si Paolo sa pugad ng Kragam. Maraming itlog ng Kragam sa pugad, at ang sahig, kisame, at pader ay gumawa ang itim na labwab. “Mabaho” inisip si Paolo, “saan ang renya? Kung papatayin siya, hihinto ang mga Kragam.” “Krik Krik Krik” narinig si Paolo at umilag siya. “Thud” kasing laki ng katawang tao ang kuko ay hindi matamaan ni Paolo. Nakita ni Paolo ang Renya ng Kragam. Ang Renya ay kasinlaki ng malaking trak at ang baluti ay sindilim ng gabi. Ang ulo ng renya ay kasinlaki ng motorsiklo ngunit walang mga mata. “Sunugin!’ sigaw si Paolo at gumagamit ng flame thrower at flare gun. Sinunog niya ang renya at tumili ang renya. Mabilis na inatake ng renya si Paolo ngunit pinatay siya.
Napakaraming namatay sa digmaan. Nilibing at sinunog ang mga bangkay ng mga tao at itinapon naman ang mga patay na Kragam. Gagawin ang butas sa pader ng space ship. Sisirain ang pugad ng Kragam.
Nakaligtas si Paolo. Walang mayaman tao at guwardiya sa Space ship. Ang mga tao sa space ship ay mga engineers at mahirap na taona nakipaglaban at nakaligtas sa Kragam.
“Maraming panganib sa kalawakan.” sinabi si Ponto, “opo” “Ngunit pipigilan natin sila,” dugtong ni Paolo. Sila ay tumitig sa kalawakan at bituin.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MGA DOBLE NG BAWAT ISA
ni Enzo Quizon
Ito si Deggs. Siya ay isang estudyante sa ika-11 antas sa KSM. Mayroon siyang isang mabait na pamilya, at mayroon siya ng barkada sa eskwelahan Magaling siya sa gitara, magskateboard, at ang marka niya sa eskwelahan ay mataas naman.
Ito naman si Enrique. Siya ay isang bagong estudyante sa ika-11 antas sa KSM. may maraming pagkakapareho sa pigitan niya at si Deggs. Pareho sila magaling sa gitara, sa magskateboard, at biglang sumali si Enrique sa barkada ni Deggs.
“Huy, Deggs tignan mo ‘to! Parang magkapareho kayong dalawa!” Sinabi ni Joshe, isang kaibigan ni Deggs, at bagong kaibigan ni Enrique.
“Huh? Sino ‘to?” Tinatanong ni Deggs, nagtuturo kay Enrique. “Huy, oo nga no. Mukhang pareho kami! Huy Joshe, sino siya? Saan mo siya nakita? Paano kilalanin mo siya?” Sinabi ni Deggs upang nakatitig kay Enrique.
“Ito si Enrique, bagong kaklase natin, bago din siya sa ating barkada. Kilalanin ko siya sa orientation, diba hindi ka sumama kase wala ka sa Pilipinas noon?” Ipinaliwanag ni Joshe. “Mayroon pa, naglalaro din siya ng Gitara, at nagskateboard din siya.” Sinabi ni Joshe.
Itinaas ni Enrique yung kaliwang brasi niya para i-shake ni Deggs. “Ikaw si Deggs? Sinabi nga ni Joshe na ako yung doble mo. Haha.” Natawa si Deggs at Enrique.
“Oo, ako si Deggs.” Sinabi niya, habang umiling ng kamay ni Enrique. “Mukhang kami ay magiging mabuting kaibingan, tama Joshe?” Tinanong ni Deggs, habang nakatingin kay Enrique, at Joshe.
“Oo naman Deggs, sinabi ko nga na nasa barkada na siya diba?” Sinabi ni Joshe. “Ikaw lang yung hindi niya kilala dahil wala ka sa orientation nami eh.”
Sa mga susunod na araw, lumapit sila Deggs at Enrique, hanggang nagiging matalik na kaibigan silang dalawa. Kasama sila papunta sa eskwelahan, sa mga partido ng barkada nila, at lagi sila nag sabay-sabay sa pamilihan.
Pero, mula pa sa simula ng kanilang pagkakaibigan, mayroong buway sa likod ng ulo ni Deggs na baka magiging mas mabuti si Enrique sa kanya. At dahil sa buway nito, nagiging mas malayo sila Deggs, at ang kanyang barkada, kasama si Enrique. Isang araw, hinarapin ni Deggs si Enrique.
“Huy Deggs!” Tinawag ni Enrique.
“Ano ang gusto mo Enrique?” Tinanong ni Deggs, hindi nakatingin sa kanya.
“Bakit ka ganoon Deggs? Diba dati matalik na kaibigan kami? Bakit biglan lumayo ka?” Tinanong ni Enrique.
“Kase, biglang napalitan mo ako sa barkada natin!” Sinigaw ni Deggs. “Gusto mo yan no? Gusto mo na ipalitan ako! Diba?!”
“Ipalitan? Ikaw?” Tinatanong ni Enrique. “Pare, wala akong poot sa iyo.” Sinabi niya.
“Talaga? Pero ninakaw mo yung barkada namin!” Sinabi ni Deggs.
“Oo, talaga. Wala akong ginagawa na ganoon. Kase laging mong subukan na i-1-up yung ginagawa ko, at hindi ikaw yan. Pare, pwede pa tayo magiging kapatid.” Sinabi ni Enrique, nikapan niya.
“Siga na, simula ngayon kapatid na kami. Angkop na kapadid.” Sinabi ni Deggs habang nakangiti.
Isimula natin ito ulit. Ito si Deggs at Enrique. Silang dalawa ay parang kapatid, kamukha sila, pareho yung kanilang barkada, at parehas ang mga hobbies at interests nila. Silang dalawa ay doble ng bawat isa. At sila ay matalik na kaibigan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PAGKAKATAWANG-TAO
ni Jaime Ozatea
Ito si Gugma, si Gugma ay 13 taong gulang at siya ay anak ng dalawang mayayamang tao. Si Gugma ay lubhang maraming pribilehiyo. Nasisiyahan si Gugma sa paglakad sa loob ng kanyang malaking mansiyon at sa mga katulong sa paligid. Si Gugma ay nakapag-aaral sa isang mahal na pribadong paaralan. Wala siyang maraming kaibigan doon, pakiramdam niya ay naiinggit ang lahat sa kanya.
Si Gugma ay naglalakad pababa sa kalye pauwi, nakakita siya ng isang 100 piso sa daan at dinampot niya ito. Nang biglang nakarinig siya ng malakas na busina. Huli na para makaiwas siya. Nadama na lamang niya ang malakas na salpok ng sasakyan sa kanyang katawan at wala nang nadarama si Gugma.
Gumigising si Gugma, nalito at gutom. Binuksan ni Gugma ang kanyang mga mata at nakita sa maraming bahay ang laki ng kanyang mga luha at maraming tao na tila hindi siya pinansin. Tumingin si Gugma sa kanyang katawan at nakita niya na may suot siyang maruruming damit at sandalyas. Si Gugma ay nagsisimula nang masindak habang nalilito siya sa nangyayari. Nakita niya ang isang grupo ng mga taong naglalakad patungo sa kanya. Ang isang matangkad na babae ay patungo sa kinaroroonan ni Gugma. Silang ay isang pamilya. Sabi ng ina ng pamilya, ' nariyan ka pala, Berto '. Nalitong lalo si Gugma ngunit nagpasiya siyangng sumama sa pamilya at tinanong niya kung nasaan siya.
Si Gugma ay matatagpuan sa Tondo. Siya ay labis na nalilito at napagtanto niya na maaaring mula sa pagkakabangga niya sa isang ng kotse at nagising dito sa Tondo, bilang ibang tao.
Nakasama na ni Gugma ang bagong pamilyang ito nang limang araw pero hindi pa rin siya komportable. Nauunawaan niya na ang pamilyang ito ang tanging mayroon siya at ang bayang ito ay nasa matinding kahirapan. Gayunman, nakita ni Gugma na masaya pa rin ang kanyang pamilya kahit wala silang pera. Katunayan, mas masaya ang pamilya nila kaysa sa pamilya ni Gugma dahil bihira niyang makita ang kanyang mga magulang. Kalaunan, nalaman ni Gugma na hindi nabibili ng pera ang kaligayahan. Hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa pera. Ngayon niya napahahalagahan ang pagiging kontento sa kung ano ang mayroon siya.
Muling naglakad si Gugma sa kalye at nakakita siya muli ng isang 100 piso sa lupa. Nagpasiya si Gugma na ang pera ay hindi lahat ng bagay sa buhay at hindi kayang higitan ng pera ang kasiyahan. Pagkatapos ay biglang nagising si Gugma sa isang higaan. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nalaman niyang nakabalik na siya sa lumang mansiyon. Masayang-masaya si Gugma ngunit naaalala niya ang mga aral na natutunan niya sa kanyang buhay at mula noon ay pinili niyang maging mas mabuting tao.
No comments:
Post a Comment