Tuesday, February 1, 2022

BUOD NG NOLI

 BUOD NG NOLI ME TANGERE


BOKABULARYO:

  1. binata- lalaki na wala pang asawa (single guy)

  2. salu-salo- handaan (feast/gathering)

  3. lipunan - society

  4. kasintahan - nobyo/nobya (bf/gf)

  5. anak-anakan - not really your child but with a close relationship to (sometimes referrred to as adopted child)

  6. naakusahan- accused of

  7. erehe - heretic (someone with beliefs that are not popular or accepted by the majority/ with beliefs opposed to the Church)

  8. pilibustero- filibuster (with beliefs opposed to the country)

  9. paglilitis- trial in court

  10. sepulturero- grave digger

  11. bangkay- corpse

  12. libingan- graveyard/sementeryo

  13. lawa-lake

  14. adhikain- advocacy

  15. kuwartel- barracks

  16. bukang-liwayway- dawnawAWn


ANG BUOD

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago ito muling bumalik ng Pilipinas.
Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.
Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala itong ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.
Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-anakan ni Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon. Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng binata bago pa ito tumungo sa Europa.
Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang ipagtapat ang pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.
Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di naman siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra.
Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.
Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na namang tinira ni Padre Damaso ang binata.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging ekskumunikado siya.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra.
Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.
Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.
Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asa si Maria Clara dahil sa pag-aakalang patay na si Ibarra.
Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.

Tuesday, November 30, 2021

Talumpati ni Pang. Corazon C. Aquino

 Talumpati

ng

Kagalang-galang Corazon C. Aquino

Pangulo ng Pilipinas

Sa pagdiriwang ng 1987 Araw ng Kalayaan

[Ipinahayag sa Quirino Grandstand, ika 12 ng Hunyo, 1987]

“MULING KAILANGAN ANG KAGITINGAN”

The country’s fight for freedom and democracy is far from over. Enemies of the state are out to prove to Filipinos that the Government is not in control. The congressional elections, however, proved that the enemies of democracy do not have the support of the people. The President reassures the people that Government, with the cooperation of a concerned citizenry, has the capability to stop terrorists from destroying this democracy.

Sa katapusan ng buwang darating, ang Kongreso ng Republika ng Pilipinas ay magpupulong. Lahat ng mga institusyon ng demokrasyang Pilipino ay nasa kani-kanilang lugar na.

Mayroon na tayong Pangulong nahalal sa demokratikong paraan, mayroon na tayong tunay na malayang Korte Suprema, at isang Kongresong tunay na kumakatawan sa mamamayan.

Ngunit ang laban ng Pilipino ay hindi pa tapos. Ang mga kaaway niya na naglalayong manira, mang-alipin at sirain ang ating mga karapatan at kalayaan, at muli hilahin tayo sa hindi na maka-Diyos na pamamaraan at pagmamalupit ay narito pa at nagnanais gawin ang kanilang masamang layunin sa kahit na ano pa mang paraan.

Ang mga kaaway natin ay hindi tayo hahayaang maranasan ang kaligayahan, katahimikan, at mga biyaya na dulot ng demokrasya.

Ang nakaraang eleksiyon ay isa na namang pagpapatunay na silang mga kaaway ng ating demokrasya ay walang suporta ng mga mamamayan. Ang mga kaaway na ito ng ating kalayaan ay walang paggalang sa mga mamamayan, gayundin sila ay walang paggalang sa hatol ng mga mamamayan. Ngayon, sila ay nananakot at pumapatay upang maipalabas lamang ang kanilang kagustuhan at masamang intensiyon sa mga mamamayang Pilipino.

Sa loob lamang ng limang araw, ang karahasan sa lungsod ay nagdulot ng kasawian sa tatlong pulis at dalawang sundalo. Dalawa pang pulis ay malubhang nasugatan. Noong isang araw, ang kandidato ng Partido ng Bayan, na si Bernabe Buscayno, ay nasugatan sa ambush ng mga hindi kilalang lalaki na kunwari ay mga sundalo.

Alam ko na marami sa inyo na mahal kong mga kababayan ay lubhang nag-aalala.

Ang inyong tanong – ano ang dapat gawin? Ang mga terorista ay dinala na ang digmaan sa lunsod. Ang aking sagot: Dalhin natin ang digmaan sa kanila.

Kanilang ginambala ang katahimikan ng ating mga tahanan at katiwasayan ng ating pamumuhay na siya nating pinaglaban at sinakripisyo; kailangan natin silang pagbayarin sa mga kaguluhang ito.

Ang mga kaaway ng ating kalayaan, na lubhang nahihiya at nagtatago sa kaduwagan, ay patagong sumasalakay, upang ang ating mga militar at pulis ay hindi sila malabanan ng parehas. Lubhang matitindi ang kanilang ginagawang pagsalakay upang paniwalain kayo na ang inyong Gobyerno ay hindi kayo kayang protektahan.

Ako ngayon ay narito sa inyong harapan upang ipaalam sa inyo na ang inyong Gobyerno ay kayang sugpuin ang mga pananakot at paghamon na kanilang ginagawa.

Subalit tulad din ng mga hamon at pagbabanta na ating tinalo noong nakaraan, muli kailangan natin ang kagitingan, pangangalaga at matiyagang pagbabantay ninyo, mga mahal kong kababayan.

Kayo ngayon ay aking tinatawagan, mga mahal kong kababayan, na sana’y kayo ay makipagtulungan sa ating militar at pulis upang hulihin ang mga duwag nating kaaway. Kayo ay tinatawagan ko upang ipaalam agad sa pulis at militar ang mga taong inyong pinaghihinalaan na maaaring kasangkot sa mga kaguluhang ito. Kayo rin ay aking binabalaan na huwag ninyong labanan ang mga teroristang ito na kayo lamang. Sila ay may armas at madaling pumatay sa inosente at walang armas. Ang inyong tungkulin ay isumbong sila upang pangalagaan ang inyong mga tahanan at pamilya. Hayaan ninyo ang ating mga pulis at militar upang gawin ang nararapat sa kanila. Sa pangangalaga at matiyagang pagbabantay ng ating mga mamamayan, naniniwala ako na kaya nating talunin ang mga kaaway na ito sa madaling panahon.

Tinatawagan ko ang ating mga OICs sa Metro Manila at sa lahat ng panig ng bansa na bigyan nila ng kaukulang suporta at tulong ang ating mga militar at pulis sa pakikipaglaban sa ating mga kaaway. Ang inyong panunungkulan at pagkakahalal kung sakali ay nakasalalay sa akin at sa ating mga mamamayan.

Tayong lahat ay bahagi ng isang kamay: ang inyong Pangulo, ang Armed Forces, mga local officials at kayong mga mamamayan ay magkakuyom ang mga palad sa iisang layunin upang wasakin at durugin ang pananakot na ito sa ating buhay, sa ating kalayaan at sa ating pananampalataya.

Sanggunian: https://www.officialgazette.gov.ph/1987/06/12/speech-of-president-corazon-aquino-at-the-1987-independence-day-celebration-filipino/

Primarya: Presidential Museum and Library

Aquino, C. C. (1987). Speeches of President Corazon C. Aquino : April – October 1987. [Manila : Office of the President of the Philippines].


Tuesday, November 2, 2021

KABAYANIHAN

 

KABAYANIHAN

Lope K. Santos

 

Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kanyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Kilala siya sa kanyang nobelang sosyalista noong 1906, ang Banaag at Sikat at sa kanyang mga naiambag para sa pagpapaunlad ng balarilang Filipino at ortograpiyang Tagalog. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas. 

 

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod

na walang paupa sa hirap at pagod;

minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,

pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

 

Natatalastas mong sa iyong pananim

iba ang aani’t iba ang kakain;

datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw

ang magpakasakit ng sa iba dahil.

 

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…

pinupuhunan mo at iniaalay,

kapagka ibig mong sa kaalipinan

ay makatubos ka ng aliping bayan.

 

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,

sa turo mo’y naging mulat ang mulala,

tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t

ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

 

 

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y

mapagwalang-turing sa mga tulong mo;

ang kadalasan pang iganti sa iyo

ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

 

TALASALITAAN:

1. paupa                  - suweldo, sahod, bayad

2. natatalastas        - nalalalaman, nababatid, 

3. pinupuhunan      - kapital ( sa negosyo)

4. makatubos         - bawiin, ibalik sa mabuting kalagayan

5. maalwan             - maginhawahan, komportable

6. mulat                  - gising, edukado, lubos ang kaalaman

7. mulala                 - hangal, walang nalalaman, mangmang

8. tikis                     - sadya

9. walang turing    - walang galang, walang utang na loob

10. paglililo            - pagtataksil, pagbaligtad, pagsusukab, pagtatraydor

 

Sanggunian: https://philnews.ph/2020/01/07/tula-10-halimbawa-ng-mga-tulang-pilipino-philnews/

Thursday, August 5, 2021

Filipino - Baitang 10: Talaan ng Ilan sa mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego

Mitolohiyang Griyego 

Binubuo ang mitolohiyang Griyego ng isang malaking bahagi ng mga koleksiyon ng mga salaysay na ipinaliliwanag ang pinagmulan ng mundo at idinedetalye ang mga buhay at pakikipagsapalaran ng iba't ibang diyos, diyosa, at bayani. Sa una, ipinamamahagi ang mga salaysay na ito sa isang tradisyong tulang-pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artifacts, ilang gawang sining lalo na ang mga pinta ng mga pintor sa mga plorera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay-liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at minsan, hindi na nauunawaang mabuti. 

Talaan ng mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego:

  • Zeus - Punong diyos; panginoon ng langit
  • Hera - Asawa ni Zeus; diyosa ng langit
  • Phoebus - Diyos ng araw; diyos ng liwanag, musika, at propesiya
  • Poseidon - Diyos ng dagat • Hermes - Diyos ng komersyo; sugo ng mga diyos
  • Haphaestus - Diyos ng apoy; panday ng mga diyos
  • Ares - Diyos ng digmaan
  • Athena - Diyosa ng karunungan
  • Artemis - Diyosa ng buwan at pangangaso
  • Demeter - Diyos ng agrikultura at pertilidad
  • Hestia - Diyosa ng apuyan at tahanan
  • Dionysius - Diyos ng alak
  • Aphrodite - Diyosa ng kagandahan at pag-ibig

Maituturing na isang malaking kayamanan ng Greece ang bawat akdang pampanitikang inisip, ipinahayag, isinalin, at isinulat. Nagsisilbi itong salamin ng kanilang buhay at katauhan.


Hiyas ng Lahi K-12 Baitang 10

Vibal Publishing


Filipino - Baitang 10: Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikang Kanluranin

Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikang Kanluranin

Nagmula ang Panitikang Kanluranin sa Panitikang Indo-Europeo. Binibigyang-diin nito ang ilang pangunahing akdang nagmula sa Europa maging ang mga akdang mula sa Espanya, France, Italy, at Russia. May mangilan-ngilan ding pagkakahawig ang panitikan na mula sa Slavic, Celtic, at Baltic. Samakatuwid, ipinakikita na malaki ang impluwensiya ng maraming bansa sa pagiging maunlad ng Panitikang Kanluranin. Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa dito, ang pag-unlad ng Panitikang Kanluranin.

Taglay ng Panitikang Kanluranin ang mga natatanging akda na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa iba pang panitikan sa mundo. Ang mayamang mitolohiya at panulaan ay nanghihikayat sa mga mambabasa upang bigyang-halaga ang mga pangyayari sa nakaraan, pangarapin ang hinaharap, mapalawak ang mga opinyon ukol sa madidilim na yugto ng buhay, mabago ang mga pangyayaring politikal, at mabago ang takbo ng buhay ng isang lipunan.

Sa Panitikang Kanluranin Nagmula ang napakaraming natatanging akda sa mundo tulad ng Beowulf, ang Divine Comedy ni Dante Alighieri, Hamlet ni William Shakespeare, ang The Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer, at War and Peace ni Leo Tolstoy. Ang mga akdang ito ay pinagaaralan kahit na saang panig ng mundo dahil na rin sa kontribusyon ng mga ito sa malikhaing pagsulat.

Hiyas ng Lahi K-12 Baitang 10

Vibal Publishing


Filipino - Baitang 10: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante (Mitolohiyang Norse)

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Snorri Sturluson 

Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Napagpasyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, nagsimula nang maglakbay at nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing, iniluto at inihain sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay si Thjalfi, at Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi. Kinabukasan, nang malaman ito ni Thor, nagalit nang husto at nanlisik ang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya. Nagmakaawa sila kay Thor na huwag magalit sa kanila at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya't sina Thjalfi at Roskva ay naging alipin niya pagkatapos.

- Mula sa DepEd Modyul Baitang 10, 2015

Hiyas ng Lahi K-12 Baitang 10

Vibal Publishing

Filipino - Baitang 10: Paglalaban nina Sohrab at Rostam (Epiko ng Iran)

 

Paglalaban Nina Sohrab at Rostam

(Mula sa Shahnameh-Epiko ng Iran)

Ang seleksiyong ito na mula sa Shahnameh na isang epiko ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rostam ng Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa Turan. Anak ni Rostam si Sohrab na bunga ng minsang pagsasama niya at ni Tamine na isang prinsesa mula sa Turan. Sinabi ni Tamine kay Sohrab na ang dakilang bayani ng Iran na si Rostam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab ang sagisag na ibinigay ni Rostam kay Tamine bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak ng prinsesa. Ngunit dahil sa sinabi ni Tamine na ang anak nila ay babae, hindi alam ni Rostam na may anak siyang lalaki.

Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigmang si Sohrab na maglaban sila nang mano-mano ni Rostam. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palatandaan na siya si Rostam. Ayaw rin niyang ipaalam kung sino siya.

May pag-aalinlangan pa rin si Sohrab na ang makakalaban niya ay si Rostam, bagama't nararamdaman niyang siya nga si Rostam na kaniyang ama. Sa panig naman ni Rostam, nagsususpetsa siya na ang batang Turanian na paborito ng marami ay kaniyang anak, bagama't hindi niya matanggap ang ideyang iyon.

At sa wakas, nagharap ang mag-ama sa gitna ng labanan. Ang una nilang paglalaban ay tumagal nang buong araw at natapos nang maggagabi na. Nang magbukang-liwayway, muli na naman silang naglaban at sa pagkakataong ito halos nananalo na si Sohrab, nagkunwari naman si Rostam, nagharap ang dalawang bayani para sa pinal na paglalaban.


Hiyas ng Lahi K-12 Baitang 10

Vibal Publishing