Huwag Naman
(apela ng mía Pilipino kay Tiyo Samuel)
dinala mo kami rito
mil nuwebe siyentos sais
para maging sakada
dyes sentimos 'sang araw
OKEY LANG
sapagkat kumakalam ang sikmura
at kahirapa'y umaalimura
mabuti nang mangibang-bansa
baka buhay pa'y sumagana
OKEY LANG
kwalipikasyon ng mga rekrut
"no read. no write"
walang asawa, walang pamilya
kaya dumating kaming bingi, bulan
pipi, walang utak!
OKEY LANG, DI BA?
balat kayumanggi'y nasunog nang husto
sa paggapas ng tubo,
pagbungkal ng lupa, paglikom ng bagaso
pinatigas pati puso nang di na sumubo
kahirapan laging tinatadtad ng insulto;
bukbok, fresh off the boat, dog eaters
copycats, trying hard
tanga, timang
manong, manang
OKEY LANG, OKEY LANG, OKEY LANG!
Ngunit nature naman kami,
nagtayo ng mga unyon
nag-aral nang paganon'-ganon'
namulat, bumalikwas, nag-aklas,
kaya kinulong kami, dineport, at mins pa ngang
tinadtad ng bala
(naaalala ba ninyo ang masaker sa Hanapepe?)
OKEY LANG
natutuhan naming makisama
at sumama sa agos ng umano'y pag-unlad
kami ang mga taga-isis ng inyong mga kubeta,
tagalinis ng shit sa kama,
tagaluto, tagasilbi, tagahugas ng pinggan
sa Waikiki, Kauai, Maui
kaminero, mutsatso, hardenero
tindero, tagakumpuni, tagabuhat
tatlo-tatlong trabaho sa isang suweldo
ng mga edukadong sa ami'y tumatawag na bobo
OKEY LANG
kasi nakukuha pa naming mangarap
para sa aming mga anak,
nakatutulong kami sa mga kababayang
hirap na hirap doon sa Pilipinas
at may siguradong tattling bees kami isang araw
mauuwiang tahanan at mga kaluluwang minamahal
SALAMAT, OKEY LANG
ngayong naitataas na namin ang aming noo,
ngayong nahaharap na namin ang Bukas,
ngayong napag-aaral na namin ang aming mga anak
maaabot na nila ang aming mga pangarap
may balakid kang inilalatag
HUWAG NAMAN
nais niyang makilala ngayon ang pagkatao
saan sila nanggaling, saan tutungo
ibig niyang mahugis sa dila
ang salita ng kanilang diwa
ibig niyang mabigkas ang wika ng kanilang ninuno
ngunit bakit
pinipilas mo ang pangako
pagkakatao'y itinatago?
HUWAG NAMAN
huwag mo namang piringan ang aming mga mata
nais pa naming makita ang katotohanang itinatago ng
kaunlaran
huwag mo namang takpan ang aming mga tainga
nais pa naming marinig ang musika ng tahimik
huwag mo namang putulin ang aming mga kamay
nais pa naming isulat ang mga kasaysayan
at
huwag mo namang pilasin ang aming dila,
nais pa naming mabigkas, at, masabi
Mabuhay, Mabuhay, Mabuhay!
kaya please . . .
pakiusap,
HUWAG NAMAN
HUWAG NAMAN
HUWAG NAMAN
No comments:
Post a Comment