Liham ni Pinay mula sa Singapore
ni Ruth Mabanglo
Sugatan ang nigiti ko nang lisanin kayo
Malagim ang kahapon at Malabo ang bukas
Ngunit kailangang ipakipagsapalaran
Kahit ang mga payak ninyong halik at yakap.
Malinaw na malinaw sa pananda
Ang paglalim ng bileges sa noo ni Ama,
Ang namintanang luha sa mata ni Ina,
Ikinubli lamang ng mga pisil sa palas
At niligis ng wala-nang-bangong bulaklak.
Bumubuntot ang mga bilin at tawag
Sa papalayong hakbang ng panganay na anak.
Umalis akong may dawag ng takot
Hatid ng dalits at walang pangalant pagod.
Lumulusot ang kirot sa nakabihis na tapang
Ngunit kailangang makawala są gapos ng utang
Umalis akong may undyok ng pangrap
Makauwi sa galak, maahon sa hirap,
Bugnot na palibhasa sa galunggong at kanin
At palad na meryendang kamote at saging.
Pangarap ko ring maging maybahay
Ng isang ginoong guwapo at iginagalang,
Maligo sa pabango kung Sabado at Linggo
At mamasyal sa parke nang walang agam-agam.
Lumipad nga kao ất dito nasadlak,
Nagsusulsi ngayon ng sủnog na pakpak.
Sa among banyaga pagkatao'y itinakwil
Ipinahamig na ganap sa madlang hilahil.
Nakaniig ko rin ang tunay na hirap
Sa isang gusaling may dalawampung palapag.
Utusan, yaya, kusinera at labandera
Sakop kong trabaho ay lahat-lahat na.
Labing-anim na oras na walang tawad
Ang kayod ko rito sa maghapong singkad.
Kaninong dila ang di magliliyab?
Mabuti nga ất may nalabing panahon sa pagtulog
Sa altar ng pangrap, may maidudulog.
Mabuti na ito, kayo rin ang may sabi,
Magpaalila man ako ay may maisusubi.
Inilalakip ko rito ang kaunting halaga,
Pag-initin agad sa pagas na bulsa.
Kalimutan muna ang nasang sinimpan.
Pag-asuhing madali ang palayok at kalan.
Samantala'y ipagdasal nang taos at taimtim,
Matagalan ko ang hirap at saklot nang panimdim;
Tumibay akong kasabay ng siyudad
Bago mamanhid ang isip at puso'y tumigas.
Sanggunian: https://www2.hawaii.edu/~mabanglo/poemsInTagalog.htm
No comments:
Post a Comment