ANG BATIK NG BUWAN
Kuwentong Bayan Ng Bisaya
Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyangyakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw angmga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapaglumalapit sa kanya.Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyanglalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahanniyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap anglipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkatmalungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nyanakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niyamatagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mosila? Huwag kang magsisinungaling! ”Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyangkasalanan.
Ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa mukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
ANG DIWATA NG KARAGATAN
Kwentong Bayan ng Ilocos
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.
NAGING SULTAN SI PILANDOK
Kwentong Bayan ng Maranao
Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.
Sanggunian:http://kwentopangbayan.blogspot.com/2018/06/mga-kwentong-bayan-ng-visayas.html
SI ADLAW AT SI BULAN
Kwentong Bayan ng Tinggiyan
Noong unang panahon daw ay may nag-isang dibdib na nilalang na nagngangalang Bulan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay nagkaanak sila ng marami. Nagpatuloy ng pag-aanak si Bulan hanggang sa napuna ni Adlaw na maraming-marami na pala ang mga bunga nila at nagsisikip na sila sa kanilang bahay. Naisip ni Adlaw na kausapin si Bulan na pagpapatayin nalang na lamang nila ang iba pa nilang mga anak upang muling lumuwang ang kanilang tinitirhan.
Tumutol si Bulan sa mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway. Halos araw-araw ay para silang mga asot pusa.Umiksi na ang pisi ni Adlaw kayat nagpasya siyang makipaghiwalay na lamang dito.Lalong nagalit si Adlaw. Pumayag din siyang makipaghiwalay kay Bulan sa kondisyong isasama lahat ni Bulan ang kanilang mga anak at hindi na muling magpapakita sa kanya. Kaya ngayon, makikitang si Adlaw o ang araw ay nag-iisang sumisikat sa araw , at si Bulan o buwan ay sa gabi na lamang lumilitaw na kasama ng kanyang mga anak na bituin.
At kapag nagkatagpo sila, sumisidhi raw ang poot ni adlaw kay Bulan. Tinutugis niya ito na siya raw dahilan sa pagkakaroon natin paminsan-minsan ng laho o eklipse.
Sanggunian: https://dokumen.tips/education/si-bulan-at-si-adlaw-kwentong-bayan-ng-mga-tingguian.html
No comments:
Post a Comment