Ang Talinghaga Tungkol sa Tusong Katiwala
Sinabi rin ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kaniya na nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya't ipinatawag niya at tinanong: 'Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.' Nawika ng katiwala sa sarili, ‘Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.’ Isa-isa nga niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kaniyang panginoon. Tinanong niya ang una. ‘Gaano ang utang mo sa aking panginoon? Sumagot ito, ‘Sandaang tapayang langis po.’ Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?' Sumagot ito, ‘Sandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ wika niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang mandarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa maka-Diyos."
At nagpatuloy si Jesus ng pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito'y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan sa malaking bagay ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?"
“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan."
Hiyas ng Lahi
pahina 14-15
Sa Gawa Makikilala (Mt. 7: 16-20; 12: 33-35)
"Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kaniyang bunga. Sapagkat hindi makapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapuputi ng ubas sa puno ng dawag.
Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kaniyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kaniyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib."
Hiyas ng Lahi
pahina 21
Paghatol sa Kapuwa (Mt. 7:1-5)
“Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapuwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo." Tinanong sila niJesus nang patalinghaga: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapuwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayon. Walang alagad na higit sa kaniyang guro; ngunit kapag lubusang natuman, siya'y magiging katulad ng kaniyang guro.
“Ang tinitingnan mo'y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo'y maaalis ang puwing ng iyong kapatid."
Hiyas ng Lahi
pahina 22
Mga Sanhi ng Pagkakasala (Mt. 18:6-7. 21-22; Mc. 9:42)
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Mabuti pa sa kaniya ang bitinan ng isang malaking gilingangbato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya't mag-ingat kayo!
“Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, ‘Nagsisisi ako’, patawarin mo.”
Hiyas ng Lahi
pahina 24
No comments:
Post a Comment