Wednesday, May 27, 2020

Rihawani 

Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa. 

Ang diyosa raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isang puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na nook na ito a ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatang pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan tulad ng mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa. 

Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinananahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag ibiging puntahan ang pook na iyon. Para sa ikatitiyak nglakad ay ilginagsama ng mpg ito angLisang tagabay. At lumisan na ang mga ito patungo sa gubat. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres na dumako sa gubat na pinanahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. 

Nang makarating na siya sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad naman at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip niya ang puting usa na sinasabi ng matanda. Nang mapadako ito sa tabing-ilog, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nggtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang matiyempuhan. 

Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan ng mga mangangaso ang puting usa, may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa at napabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan. 

Mu|a sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko) 1991, Arrogante et. al. 
Hiyas ng Lahi
pahina 111

No comments:

Post a Comment