Monday, May 18, 2020

PABULA

Si Haring Tamaraw at si Daga 

Itinuturing na hari ng kagubatan ang Tamaraw na isang hayop sapagkat malaki, malakas, at mabilis ito. 

Isang araw, lubhang napagod si Haring Tamaraw nang minsang nag-ikot siya sa kagubatan. Agad siyang nakatulog sa ilalim ng punong narra. Samantala, naroon pala si Daga at masayang naglalaro. Pinagsabihan siya ng mga ibon na baka magising si Haring Tamaraw dahil sa paglalaro niya. Walang ano-ano’y gumalaw si Haring Tamaraw at dahil doon, naipit ang paa ni Daga. Napaaray siya. 

Biglang nagising si Haring Tamaraw. Nagalit nang labis si Haring Tamaraw at pinilit na hinuli si Daga upang mapamsahan. Nagmakaawa si Daga at nangakong hindi na uulit. Buong tiwala pa niyang sinabi na, "Malay mo, pagdating ng panahon, ako naman ang makatulong sa iyo." Pinatawad at pinakawalan na ni Haring Tamaraw si Daga. 

Isang araw, may masamang nangyari kay Haring Tamaraw habang naghahanap ng pagkain sa gubat. Natapakan niya ang isang patibong na hawla at nakulong siya rito. Sa pagkakagulo ng mga hayop, hindi nila alam ang gagawin. Sa huli, wala Silang nagawa para makawala si Haring Tamaraw.
Bigla namang dumating si Daga mula sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat niya ang mga tali sa hawla at nakawala si Haring Tamaraw.
Laking tuwa ni Haring Tamaraw at nagpasalamat kay Daga. Dahil sa pangyayaring ito, naging magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga. 

No comments:

Post a Comment